ページの先頭です。 メニューを飛ばして本文へ
現在地 トップページ > 組織でさがす > 市民福祉部 > 市民課 > Gabay sa My Number Card(Tagalog)/ マイナンバーカード(個人番号カード)のご案内 (タガログ語)

本文

Gabay sa My Number Card(Tagalog)/ マイナンバーカード(個人番号カード)のご案内 (タガログ語)

ページID:0002379 更新日:2023年12月27日更新 印刷ページ表示

Ang My Number ay tumutukoy sa [Social Security at Tax Number] na sistema ng gobyerno na nagtatakda ng natatanging 12 numero sa bawat mamamayan na may rehistradong tirahan sa Japan. Ito ay ginagamit para kumpirmahin kung ang nakarehistrong personal na impormasyon sa iba’t ibang institusyon tulad ng social security, buwis, mga pag-iwas sa sakuna at iba pang serbisyong pang-gobyerno ay iisang tao.

Ang My Number Card ay isang card na naglalaman ng natatanging numero (my number) at photo ID ng isang tao.

(Halimbawa ng My Number Card)

通知カード表面イメージ
(Harap)

通知カード裏面イメージ
(Likod)

Ang my number card ay gawa sa plastic na my nakapaloob na IC chip sa loob. Sa harap ng card makikita ang pangalan, tirahan, araw ng kapanganakan, kasarian, my number (natatanging numero) at larawan ng may-ari nito.
Bukod sa pwedeng gamitin sa pagkumpirma ng pagkakakilanlan, maaari din itong gamitin sa mga serbisyo ng siyudad, aplikasyon ng mga sertipiko ng e-tax system at iba pang mga serbisyo.

Mga Posibleng Paggamitan ng My Number Card

  1. Para sa pagpapatunay ng sariling numero sa mga dokumento
  2. Para sa online na aplikasyon ng iba’t ibang mga pang-gobyernong proseso
  3. Magagamit bilang pruweba ng pagkakakilanlan (opisyal na ID card)
  4. Para sa iba’t-ibang pribadong online na transaksyon
  5. Para sa pagkuha ng iba’t ibang mga sertipiko sa convenience store

Mga Dapat Tandaan ng mga Banyagang Mamamayan

Mga kinakailangan tandaan ng mga banyagang mamamayan na nakatira sa Japan.

  • Kung nagbago ng pangalan, address at iba pa, kinakailangan ipaalam sa munisipyo ng inyong lugar.
  • Ang bisa ng My Number Card ay pareho sa petsa ng bisa ng tagal ng pananatili (date of expiration of period of stay) sa residence card.
  • Bago matapos ang bisa ng My Number Card, magpunta sa inyong munisipyo para magpa-update ng card (kailangan ipakita ang bagong residence card bilang pruweba).
    (※Hindi nangangahulugan na awtomatiko din ang pag-renew ng My Number Card kahit na-renew na ang petsa ng bisa ng tagal ng pananatili)

Para sa mga banyagang mamamayan, magpunta sa page sa ibaba para sa mga karagdagang detalye:

マイナンバー(個人番号)制度・マイナンバーカード デジタル庁のページ<外部リンク>
Mayroong impormasyon na nasa iba’t ibang wika

マイナンバーカードの申請 J-LIS地方公共団体情報システム機構のページ<外部リンク>
Mayroong impormasyon sa wikang Ingles, Chinese, Korean, Español at Portugues

マイナンバーカードの受け取り J-LIS地方公共団体情報システム機構のページ<外部リンク>
Mayroong impormasyon sa wikang Ingles, Chinese, Korean, Español at Portugues

Para sa mga katanungan ukol sa My Number Card gamit ang ibang wika:
※Ang serbisyong ito ay maaaring gamitin 24 oras, 365 araw sa isang taon para sa pansamantalang pagtigil ng nawala o nanakaw na card.
※Mayroong suporta sa wikang Ingles, Chinese, Korean, Español at Portuges

Tungkol sa Sistema ng My Number 0120-0178-26
Tungkol sa My Number Card 0120-0178-27

Lunes – Biyernes: 9:30am – 8:00pm, 
Sabado, Linggo, Holiday: 9:30am – 5:30pm (hindi kasama ang bakasyon sa katapusan ng taon)